Information

Sinaunang Rome: Kasaysayan ng Pagsisimula ng Kabihasnang Roman

Basic shortcuts

Ctrl + SSave subtitles
Ctrl + click
Double click
Edit highlighted caption
TabEdit next caption
Shift + TabEdit previous caption
EscLeave edit mode
Ctrl + SpacePlay / pause video
Ctrl + HomePlay selected caption
Ctrl + EnterSplit caption at cursor position
at current time

Advanced shortcuts

Ctrl + InsertAdd new caption
Ctrl + DeleteDelete selected caption
Ctrl + IEdit currently played segment
Shift + EnterNew line when editing
Ctrl + LeftPlay from -1s
Ctrl + RightPlay from +1s
Alt + LeftShift caption start time -0.1s
Alt + RightShift caption start time +0.1s
Alt + DownShift caption end time -0.1s
Alt + UpShift caption end time +0.1s

Annotation shortcuts

Ctrl + 1Hesitation
Ctrl + 2Speaker noise
Ctrl + 3Background noise
Ctrl + 4Unknown word
Ctrl + 5Wrong segment
Ctrl + 6Crosstalk segment
You are in the read-only mode. Close
00:05.7
00:22.2
Mula sa watak watak at bulubunduking isla ng Gresya, tayo ay dadako pakanluran upang tunghayan ang pagusbong ng isa sa pinakamaimpluwensya at grandyosong imperyo sa kasaysayan, ang Roman Empire.
00:22.3
00:48.5
Ang ating istorya ay nagsimula sa isang hugis-botang peninsula sa Mediterranean Sea, ang Italy.
00:51.8
01:46.4
Ang kasaysayan ng Rome ay lubos na naaapektuhan ng kanyang heograpiya. Ang lupain ng Italy ay hindi kasingbulubundukin kagaya ng Gresya. Dahil sa salik na ito, ang mga naninirahan sa Italy ay hindi nagkawatak-watak kagaya ng nangyari sa Gresya. Kasunod nito, masumlaking bahagi ng lupain ng Italy ang angkop sa pagsasaka, sanhi upang magkaroon ito ng malaking populasyon. Ang lokasyon ng Rome sa Italy ay naging malaking advantage sa paglakas nito. Ito ay matatagpuan sa pampang ng Tiber River, sanhi upng sumigla ang international trading at pangingisda sa Rome. Di pa man, hindi rin naman ito matatagpuan ng sobrang lapit sa karagatan, kung kaya't hindi sinasakop ng mga pirata ang siyudad ng Rome.
01:46.5
02:30.0
Ang Italy ay matatagpuan sa gitna ng Mediterranean Sea. Ibig sabihin, lahat ng paglalakbay at kalakalang pasilangan, pakanluran, pahilaga, at patimog ay dadaanan sa lugar na ito. Ang Rome, bago ay nakilala bilang siyudad ng marmol at sentro ng isang imperyo, ay nagsimula bilang grupo ng maliliit na komunidad. Sa paglaon ng panahon, ang mga maliliit na komunidad na ito ay nagbubuklod-buklod. Ang pinagbuklod ng mga komunidad na ito ang naging pundasyon ng siyudad ng Rome, at ng mga mamamayan nito na makikilala bilang mga Romans.
02:30.1
03:46.4
Ang mga Romans noon ay pinamunuan ng mga hari. Ayon sa tala, ang mga sinaunang Romans ay nagkaroon ng pitong hari, kung saan ang huling dalawa dito ay mga Etruscans. Ang mga Etruscan ay grupo ng mga taong nanairahan sa hilaga ng Rome, at nagsisilbing pinakamahigpit nilang karibal. Ang huling haring Etruscan ng mga Romans ay si Tarquinius Superbus. Isang na malupit na diktador Tarquinius, kung kaya't pinabagsak siya ng mga Romans sa isang rebolusyon noong 509 BCE. Ang mapait na karanasan na ito ng mga Romano sa ilalim ng isang hari, ang magtutulak sa kanila na magkaroon ng isang pamahalaang walang hari, kung saan, ang mga mamamayan ay pipili ng mamumuno sa kanila. Ito ang tinatawag na republika. Sa loob ng ilang daang taon, unti-unting sinakop ng mga Romans ang kanilang mga kapitbahay, kung saan pinalawak nila ang kanilang impluwenysa. Nasakop ng mga Romans ang mga Latin noong 338 BCE. Makalipas nito, kanila namang sinunod ang mga Samnites sa silangan.
03:46.5
04:34.0
Ang pinakamalaking pagbabago sa kanilang teritoryo ay naganap noong 264 BCE. Makalipas nilang masakop ang mga Etruscan. Karagdagang pa, nagawa din mapaalis mg mga Romans ang mga Griyego sa timog ng Italy noong 264 BCE. Makalipas ng napakaraming digmaan, sa wakas, nasakop din ng mga Romans ang buong Italy. Bakit nga ba naging matagumpay ang mga Romano sa pagsakop sa Italy? Isa sa itinuturong sanhi nito ay ang galing ng mga Romano sa diplomasya. Hindi lahat ng tribong kapitbahay ng Rome ay sinakop ng mga Romano. Inalok ng mga Romans ang ilan sa mga tribong ito ng pagkakataong maging bahagi ng republikang Romano, kapalit ng pagkakaroon ng citizenship at mga pribilehiyong kalakip nito. Maraming mga maliliit na tribo ang agarang sumanib sa Rome, na nagresulta sa paglakas ng militar nito. Habang dumadami ang kaalyado ng Rome, paunti naman ng paunti ang mga tribong kumakalaban dito. Ikalawa, ang Rome